PH FRONTLINERS - Dominic


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



DOMINIC - PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Hindi madali. Sa mga oras na ito, lahat tayo Diyos lang ang ating makakapitan, pero paano kung pati ang simbahan hindi natin malapitan? Simple lang, ang simbahan ang lalapit. Bilang parish media, ginagamit namin ang teknolohiya para ma-iparating parin sa mga tao ang banal na misa. Nag vo-volunteer rin ako sa mga relief operations ng aming parokya para matulungan rin ang mga nanga-ngailangan.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Sa mga parishioners na nag-co-comment sa mga live namin at sa mga kaibigan kong nag-me-message sa akin. Sa kanila ako humuhugot ng inspirasyon dahil alam kong lubos silang nag-titiwala at nag-papasalamat sa akin at sa mga kasamahan ko. Ayaw ko silang biguin kaya patuloy akong nag-sasakripisyo para sa kanila.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Yung pagba-bahay-bahay namin para mamigay ng tulong. Alam ko, hindi madali ang aming trabaho at malaki ang sakripisyo naming mga volunteers pero noong mag-bahay-bahay kami, na-realize ko na mas marami paring mga kababayan natin ang mas lubos na nahihirapan kaysa sa amin. Kitang-kita ko kung gaano nila kina-kailangan ang tulong.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Para sa mga kasama ko at sa mga iba pang Fronliners, alam ko hindi madali ang ating trabaho, malaking sakripisyo ang ginagawa natin. Unang-una, hindi natin nakikita ang kalaban natin at hindi lang sarili natin ang nilalagay natin sa alanganin, pati na rin ang ating pamilya na inu-uwian. Pero sa kabila nito, patuloy parin tayong tumutulong. Sana wag natin kalimutan na mag-doble ingat dahil mas malaki ang mawawala kapag tayo ang tinamaan.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Para sa mga nakakabasa ng mensahe ko, sana sa mga oras na ito, ipag-patuloy lang po natin ang pag-ba-bayanihan. Tulong-tulong po tayo sugpuin ang tunay nating kalaban. Huwag na po tayong mag-away-away o gumawa ng gulo dahil hindi ito nakakatulong. Patuloy lang po tayo magdasal at magtiwala na matatapos rin ang lahat ng ito.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London