PH FRONTLINERS - Diosdado


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



DIOSDADO - LA UNION, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Ang trabaho ko/namin ngayon bilang frontliner ay puno ng sakripisyo kasi halos lahat ng oras ko/naming ay nakalaan sa komunidad, pwede ako/kami tawagin kahit anong oras o araw. Ito rin ay puno ng kaba at pag-aalinlangan dahil hindi natin alam kung ang nakaka-salamuha namin ay carrier at baka nahawa na kami lalo at umuuwi kami araw-araw sa mga bahay namin.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Sa pamilya ko at dalawa kong anak. Sa kanila ako humuhugot ng inspirasyon at lakas para ipag-patuloy ko ang laban kontra COVID-19. Para kung sakali na dumating ang punto na lumabas man sila, kampante ako na hindi sila mahahawa.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Ang isa sa hindi ko makakalimutan na experience ay yung literal na kami ang nag-libing ng madaling araw sa isang patay na ang gamit lamang ay pala at habang kami’y naka-PPE, dahil wala ang operator ng backhoe.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Isa lang ang gusto ko sabihin sa kapwa ko Frontliner, "Nulli Desperandum, Quamdiu Spirat" meaning while there's life, there's hope. Kahit gaano sa tingin mo kahirap ng pinagdadaanan natin magtiwala ka at manalig ka sa Diyos.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sa mga nakakabasa ng message ko ngayon gusto ko lang ipa-alala ang minimum health standards - hand hygiene, wear your face mask always, observe social distancing and cough etiquette. At tulad ng lagi kong sinasabi sa Infection Prevention and Control training, huwag kalimutan ang mga numero sa taong ito 2020: Unang dalawang numero 20 - at least 20 seconds hand washing; Pangatlong numero 2 - 1 to 2 meters social distancing; Huling numero 0 - zero excuses o walang dahilan para hindi natin gawin ang mga minimum health standards kasi para rin ito sa atin, sa mga pamilya natin at komunidad.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London