PH FRONTLINERS - Christian


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang Sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.


CHRISTIAN - London, United Kingdom

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang frontliner ng NHS lalo na sa A&E, araw araw ay parang pupunta ka ng giyera sa laban na hindi mo nakikita ang kalaban mo. May halong takot at kaba pero dahil sa pagmamahal mo sa kapwa tao at sa responsibilidad na sinumpaan mo ay pilit mo itong iniinda at kinakaya. Minsan parang gusto mo nang sumuko, pero dahil sa maraming tao at halos ang buong mundo ay naniniwala at umaasa sayo tuloy ang laban.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Una sa Diyos, pangalawa sa pamilya mo at sa mga kaibigang nagmamahal at sa mga katrabaho mo na pilit ding itinatago ang takot habang lumalaban. Sana malampasan natin ang epidemyang ito sa lalong madaling panahon.


3. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sana huwag nating kalimutang magdasal at iparamdam sa mga mahal natin sa buhay na mahal natin sila. Habang nakakausap, nakikita, naririnig at nahahawakan pa natin sila ipadama natin ang pagmamahal na ito dahil sa dami ng aking nasaksihan sa aking trabaho, ang halos lahat ay wala ng panahon para yumakap, humawak, marinig at makita ang mga mahal nila sa buhay bago sila pumanaw. Sumunod tayo sa social distancing, self isolation at regular handwashing. Kumain ng wasto, magpahinga ng maayos, uminom ng maraming tubig at maglinis ng katawan at kapaligiran. Mabuhay po tayong lahat.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London