PH FRONTLINERS - Cesar


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



CESAR - SAN JUAN CITY, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang isang Barangay Kagawad na kabilang sa mga Frontliners ngayong may COVID-19 pandemic, kami ang inaasahan ng aming mga ka-barangay na higit na nanga-ngailangan at mga nasa dulo ng laylayan ng ating lipunan. Bagamat nalalagay kami sa alanganin dahil sa virus at mga hindi maiwasang batikos ng iba, ako ay lubos na nagagalak na makapag-lingkod sa mga tao at aming mga ka-barangay kahit sa maliit na paraan lamang.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Ang aking pamilya ang aking inspirasyon upang maging matatag sa laban na ito. Lubos akong nagagalak na isa ako sa taga-panatili ng kaayusan at kalinisan, pati na ang pagbibigay ng ayuda galing sa LGU, BARANGAY at SIMBAHAN, pati pag-di-disinfect sa aming Barangay, kasama ng mga kapwa ko kagawad at iba pang Frontliners. Dahil dito, nasisiguro kong nasa ayos at ligtas ang aking pamilya, kabarangay at mga taong nakapaligid sa kanila.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Bagamat nabibilang ako sa Frontliners na nalalagay sa alanganin at banta ng virus sa tuwing lalabas ng tahanan, hindi ko malilimutan ang mga ngiti ng aking mga ka-barangay na hindi mapawi kapag nag-hahatid kami ng tulong sa kanila. Nakakawala ng pagod! Pati na rin ang pina-pakitang pagka-kaisa at bayanihan ng aking mga kasamahang Frontliners. Sila ay hindi nag-da-dalawang isip na tumulong at mag serbisyo para sa ikabubuti ng aming mga ka-barangay. At higit sa lahat ang bonding namin ng aking pamilya kapag nasa bahay. Araw-araw din kaming nag-aalay ng rosaryo at dasal para malagpasan natin ang crisis na ito.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Ako ay lubos na nagpa-pasalamat sa inyo mga kapwa kong Frontliners dahil hindi kayo tumitigil sa pag-suporta at pag-bigay ng serbisyo para sa mga nanga-ngailangan. Panalangin ko lamang na manatili tayong ligtas para mas magampanan natin ang ating serbisyo sa ating mga nasasakupan.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Gusto ko lamang humingi ng pabor sa mga makakabasa nito na sana'y sumunod tayo at makinig sa mga panukala na ibaba sa atin. Para naman ito sa ating ikabubuti. Sana ay maisama niyo kaming mga Frontliners sa inyong mga panalangin, na mai-adya sana sa sakit at takot na dala ng COVID-19 pandemic.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London