PH FRONTLINERS - Carmela


Mga Ka Yapak kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang Sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.


CARMELA - LONDON

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Bilang isang Nars, mas mahirap ang trabaho namin ngayong may Covid-19. Naiba ang “normal routine” namin. Maigting pag-iingat sa pakikiharap sa mga pasyente namin dahil mahirap sugpuin ang kalaban na hindi nakikita.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot ako ng inspirasyon sa pamilya at mga kaibigan ko... ang araw-araw nilang pangungumusta at pagsasabi na kasama sa dasal nila araw-araw. Higit sa lahat sa pagdadasal sa Panginoon na sana malampasan natin itong pandemya na to.


3. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Ibig kong ipahayag sa lahat ng tao na nakakabasa nito na sumunod kayo sa patakaran ng gobyerno (PLEASE STAY AT HOME) at magbasa/magsaliksik upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Suportahan po natin ang lahat ng mga frontliners sa paraang hindi paglabas ng bahay lalo kapag hindi naman kailangan. Para sainyo rin po ito. Kung nakita nyo na po ang epekto nitong virus sa iba, huwag na pong gustuhin maranasan nyo rin. Ika nga, Prevention is better than cure.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London