PH FRONTLINERS - Brianne


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



BRIANNE - PANGASINAN, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Ako po ay simpleng livestock farmer, ako, bilang isang frontliner ay mahirap dahil sinusugal mo ang sarili mong kapakanan o kaligtasan.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Sa inpirasyon naman unang-una ay si God dahil walang imposible sa kanya, dasal lang parati sa kanya. Pangalawa, sa aking family, relatives, and friends ko. Sila ang pinaghuhugutan ko ng lakas dahil bawat isa sa amin ay willing tumulong sa mga nanga-ngailangan lalo na sa panahon ngayon na mayroong COVID-19.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Habang ako po ay nasa kasagsagan ng COVID-19 o sa crisis na ito, doon ko nakita ang unity ng bawat isa. Ang tumulong sa nanga-ngailangan ng walang hinhintay na kapalit lalo na ang makita mo silang mga naka-ngiti, at dahil dito mas higit na masaya ka at talagang nakakataba ng puso.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Una, nagpapasalamat ako sa Panginoong may likha sa atin. Nagpapa-salamat din ako sa lahat ng mga Frontliners. Una, sa mga doctors o health workers, pangalawa, sa mga nagpapatupad ng siguridad para sa mga tao, at sa mga kasama ko na tumu-tulong magbigay ng relief. Nagpapa-salamat ako sa kanila dahil hindi sila nag-atubili na tumulong. Laban lang tayo guys, malalagpasan din natin itong pagsubok na ito in God’s will.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sa mga nakakabasa ngaun ng messege ko na ito sana magsilbing aral po ito sa ating lahat, lalo na ang pagtulong sa kapwa. Hindi ito mahirap gawin lalo na sa panahon ng kalamidad. Laging sumunod lalo na sa patakaran na sinasabi sa atin na “stay at home” para po tayo ay maging ligtas sa virus, magdasal lang po tayo parati na mawala na lahat ng ito. God bless us all. Maraming salamat po.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London