PH FRONTLINERS - Bren


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



DR. BREN - CAMARINES SUR, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Likas na ang pagiging Frontliner bilang isang Public Health Service Health Officer.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Inspirasyon ko ang mismong sambayanan na aabot sa 82,000 population. Bilang nag-iisang doktor dito, inspirasyon ko rin ang mga kasahaman ko na Health Staff ng RHU na handang lumaban sa COVID-19.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Mahirap pero kaya naman ang magtrabaho 10 hours a day at 7 days a week.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Sa kapwa ko Frontliners, samahan natin ang pamahalaan; walang aatras, forward to full recovery.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sa lahat ng tao, gawin lang po ang minimum health standards at kailangang magbigay ng totoong impormasyon tungkol sa kondisyon ng inyong kalusugan at posibleng exposure sa COVID-19. Ika nga, “If you lie, we all cry.”


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London