PH FRONTLINERS - Al Xandy


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



AL XANDY - NORTHEN LONDON, UNITED KINGDOM

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Masarap magtrabaho dahil marami kang natutulungan, na-e-encourage o na-mo-motivate at natututunan, kaso mahirap din makipag-bakbakan sa kalaban na hindi nakikita. Hindi mo alam kung ano ang pwede mangyari sayo sa mga sumusunod na mga araw. Minsan natatakot, minsan nangangamba especially para sa pamilya dahil sa dami na ng pinerwisyo ng COVID-19. Ang tangi na lang magagawa ay maging matapang at magdasal sa Poong Maykapal na sana maging maayos na ang lahat at maglaho na ang COVID-19.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Humuhugot ako ng inspirasyon through my faith in God (I cannot do all things without Him), pagmamahal sa pamilya, mga taong malapit sa amin na patuloy na sumusuporta, tumutulong at gumagabay sa amin, mga kaibigan at kawani sa trabaho.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Sa kabila ng takot at pangamba ay nagagawa mo pa ring gawin ang best mo sa trabaho at kahit papaano nakakangiti pa rin, maibsan lang ang mga kakaibang nararamdaman. Pero ang pinaka hndi ko makalimutan that melts my heart was, noong kinumusta ko ang isang patient at sabi sa akin, "I feel rotten, I want to die", nalungkot ako, hindi ko mai-paliwanag kung ano nararamdaman ko. Hindi ko siya kaano-ano pero ganon na lang ang epekto sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, ang sabi ko na lang sa kanya, pray and leave things unto the Lord.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Maging matibay, alagaan ang sarili, always take necessary precautions, at higit sa lahat Magdasal sa Poong Maykapal for our full protection not only for ourselves, but for our families and for everyone as well.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Ang kalaban ay ang salot na COVID-19, magkaisa, makinig po tayo sa kung anong dapat gawin, sumunod sa mga alintuntunin na ipinatutupad para labanan ang salot na COVID-19, habaan ang pasensya at huwag pangunahan ng galit, mag-isip kung anong magandang pwede natin ma-i-ambag kahit sa simpleng pamamaraan, huwag kakalimutan ang MAGDASAL.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London