PH FRONTLINERS - Nicole


Mga Ka Yapak, kami ay nangamusta ng mga #PHFrontliners. Ang sarap #MaInspire at malaman ang kanilang saloobin at mensahe nila para sa ating lahat. Let’s #SALUTE them and encourage everyone na mabasa ang kanilang mga payo. Please comment any messages nyo para sa kanila or share this to your wall para parangalan natin lahat ng mga PH Frontliners na lumalaban sa COVID-19.



NICOLE - MAKATI, PHILIPPINES

1. ANO ANG MASASABI MO SA TRABAHO MO NGAYONG MAY COVID-19 BILANG FRONTLINER?

Ang pagiging Frontliner sa panahon ng COVID-19 ay malaking responsibilidad na nangangailangan ng matinding sakripisyo at lakas ng loob. Pero higit sa lahat, ang pagiging frontliner sa panahon ngayon ay isang malaking karangalan para sa aking pamilya at para sa ating bansa. Karangalan na hindi matutumbasan ng kahit anong bagay o salapi.


2. SAAN KA HUMUHUGOT NG INSPIRASYON?

Inspirasyon ko ang aking pamilya at mga mahal ko sa buhay. Alam kong araw-araw silang nag-aalala pero walang araw na lumipas na hindi ko ramdam ang suporta at pagmamahal nila sa akin. Inspirasyon ko din ang mga kasamahan kong Frontliners na nananatiling lumalaban sa COVID-19. At higit sa lahat inspirasyon ko ang Diyos na walang sawang nag-mamahal at kailanman ay hindi ako pinabayaan.


3. ANO YUNG EXPERIENCE MO NA HINDI MAKAKALIMUTAN SA TRABAHO HABANG KASAGSAGAN NG COVID-19?

Isa sa mga experience na hindi ko makakalimutan ay ang ma-assign sa COVID Isolation Ward namin nung nagsisimula palang mabalita ang tungkol sa COVID-19. Iba yung kaba na dulot nito sa aming Frontliners, araw-araw na pag-pasok ko sa hospital, lalo na nung nalaman kong positibo ang isang pasyente kong isa sa unang kasong naitala sa ating bansa. Ako ay pinag-home quarantine ng 14 na araw pero sa awa ng Diyos, di ako nagkaroon ng kahit anong simtomas at muli akong nakabalik agad sa hospital upang maka-pagtrabaho muli.


4. ANO YUNG GUSTO MO SABIHIN SA MGA KASAMA MO NA FRONTLINER NA LUMALABAN SA COVID-19?

Saludo po ako sa mga kababayan natin na FRONTLINER na ipinag-palit ang oras nila sa pamilya. Para sa mga kasama kong Frontliners sa iba’t ibang parte ng mundo, huwag tayo mapang-hihinaan ng loob. Manalangin tayo at magtiwala na balang araw ay matatapos din ito. Wag papabayaan ang sarili at palakasin ang resistensya, dahil tuloy lang ang laban para sa ating pamilya at para sa ating mga kababayan.


5. ANO ANG GUSTO MONG IPAALALA SA MGA TAO NA NAKAKABASA NG MESSAGE MO NGAYON?

Sama sama nating labanan ang COVID-19. Kung maari ay manatili lang po kayo sa bahay at lumabas lamang kapag kailangan. Uminom ng bitamina, magpalakas, maligo at maghugas ng kamay araw-araw. Isipin na sa bawat desisyon at bawat kilos ninyo nakasalalay ngayon ang bawat buhay ng mamamayang Pilipino. Maliban sa paalala, buong puso kaming nagpa-pasalamat sa lahat ng tulong na nabi-bigay niniyo sa aming mga Frontliners, mapa-donasyon na gamit, pagkain at dasal. Maraming maraming salamat po.


#YAPAK

#PHFrontliners#YapakWeCouldSaveLives#StayAtHome


May kakilala ka bang frontliner na gusto mong i-feature sa page ng YAPAK? Maaari mo kaming i-message sa FB Messenger.




© 2020 Yapak London