Martin Naling ng Cavite

YAPAK OFFICIAL Finalist 7: Buhay ni Martin Naling ng Cavite


“Ako si Martin Naling na taga Imus, Cavite. Lubos kong ipinagmamalaki ang aking bayan dahil dito lang naman kauna-unahang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas kaya rin ito binansagang Flag Capital of the Philippines.


Ang nakapag impluwensya sa akin sa larangan ng pagsulat at pagtatanghal ay ang mga sarili kong karanasan. Bukod sa PH Frontliners, naging inspirasyon ko ang ating mga kababayan na alam kong pilit din isinasalba ang bawat araw na dumadaan ngayong krisis na ito. Ang mapapayo ko sa mga kabataan na gustong sumali sa mga ganitong patimpalak ay 'wag masyado habulin ang premyo, mas pagtuunan ng pansin ang mensaheng kayang magmarka at magbigay ng inspirasyon sa iba dahil ang makapagbigay ng kahit katiting na pag-asa sa iba ay ang syang tunay na premyo.


Kaya lang naman tayo nawawalan ng gana minsan dahil alam nating maraming mas mahusay sa atin pero hindi nakukuntento ang tao, magpapagaling tayo nang magpapagaling hanggang sa hindi natin namamalayan na tayo na pala yung nagkakasakit. Wag mo lang sana piliin maging magaling, matuto rin sana tayo magpagaling ng iba. Ayos lang kung may bitbit kang takot, 'wag lang ang takot ang mismong bibitbit sa'yo. Wala yan sa unang nagtanim, andon 'yan sa hindi nagsawang magdilig. Mabuhay ka at bumuhay ka. Laban, Pilipinas.”




Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito @yapaklondon. MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London