Mariel Ritchie M. Jolejole ng Northern Samar

YAPAK OFFICIAL Finalist 9: Yapak ni Mariel Ritchie Jolejole ng Northern Samar




Ako po si Mariel Ritchie M. Jolejole na nagmula pa sa lugar ng mga matatapang at palaban, Norte ng Samar! Karangalan ko pong ipakilala sa inyo ang ilan lamang sa mga pinagmamalaki naming mga taga-Samar:


Ang Biri Rock Formations na matatagpuan sa isla ng Biri. Ang napakagandang Capul Lighthouse sa isla ng Capul. Ang Onay Beach ng isla ng Laoang. Ang Pink Beach ng isla ng San Vicente. Ang Pinipisakan Falls ng Las Navas. At ang White Beach na matatagpuan sa University of Eastern Philippines, Catarman. 14 na taon lamang po ako nang magbukas ng pinto ang sining ng Spoken Word Poetry sa aking buhay.


Nainspire ako mula sa mga sikat na mga manunulat katulad ni Juan Miguel Severo. Ako'y nabighani sa mga tulang gawa ng pag-ibig at ako'y napaibig na rin sa paglikha ng sarili kong mga akda. Sa murang edad, maraming entablado na rin ang aking napagtanghalan. Sa bawat pagtayo sa entablado ay hindi premyo ang nais kong makamit, kundi ang kaligayahang makapagtanghal at maibahagi ang talento sa madla. At ang kompetisyong ito ay isang napakalaking oportunidad para sa akin na maibahagi ang aking talento, at kung sino ako. Itong kompetisyong ito na hatid ng Yapak ay susi rin para marinig at maramdaman ng ating PH frontliners ang ating suporta na 'di sila nag-iisa at pasasalamat sa kanila. Ngunit higit sa mga frontliners,


Ang tunay at higit kong inspirasyon sa pagsulat ng tula ay ang ating Panginoon. Ang aking akda, ay kwento ng paglaban at pag-asa. Ang tula ko ay kwento ng mga bayaning sumusunod sa mga yapak ng una nating tagapagligtas, Siya. Bilang mga kabataan, huwag rin tayong sumuko at tumigil na ibahagi at gamitin ang talento para maging inspirasyon. Tayong mga kabataan ay mga bayani, at ang ating talento ang ating armas at sandata. Huwag palampasin ang bawat pagkakataong pwede mong ipakita ang iyong kakayahan sa mundo. Ang pagmamahal sa sining ay pagmamahal sa iyong sarili at sa sariling bayan. Lumaban ka, at ialay mo ang lahat para sa Kanya. Padayon, Nortehanon! Padayon, Makabagong Bayani! Padayon, Kabataang Pilipino!








Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na itoYAPAK


MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London