KAPIT

Ni : Jenny Rose Dela Cruz


Ano man ang salinlahi

Mag kakaiba man ang kultura

Na ating kinagigisnan,


Ay iisa lamang ang pinagmulan,

Kasing imahe ng Diyos

At pawang obra maestra niya,

At binigyang kulay ang sanlibutan

At manaig ang kabutihan

Hindi man perpekto ang lahat

Isinilang naman tayong pantay-pantay

At walang pag aalinlangan

Kulay man natin ay iba-iba

Unano man o matangkad

Pangit man o maganda

Lahat tayo'y anak ng poong may kapal

Hindi man natin Siya nasisilayan,

Tayo'y kanyang sinusubaybayan,

Hakbang patungo sa kapayapaan

Sundan mo lamang ang yapak ng ating poong may kapal

Upang hindi maligaw ang iyong ladas,

Sa kadiliman may munting liwanag ang nakalaan

Na natatanging paroroonan

Tungo sa ating munting kalayaan

Nakatatak sa ating puso't isipan

Lahat ng pag subok ay ating malalagpasan

Huwag mo lang kalilimutan

Na may diyos na laging naririyan

Para tayo'y kanyang gabayan,

Ngunit may naka talang Tao para tayo'y protektahan

Sa sakit na sobrang mapaglinlang

Na hindi patas kung lumaban

Saludo! Ako sa inyong munting katapangan

Na handa tayong protektahan

Ikinubli ang buong katawan

binalot na parang suman

Na Hindi man lang makilala ng sinuman

Upang Di dapuan ng karamdaman

At putuloy na lumalaban,

Sinuong kahit mapanganib,

Dahil Ito ang kanilang ibig,

At sinumpaan sa ating daigdig,

Na tumulong ng bukal sa kalooban

Na walang pag aalinlangan,

Na siyang haligi ng inang bayan,

Para protektahan TAYO kay kamatayan

Handa-handa sa lahat ng Laban!

Kapit bisig,kapit kamay!



21 views

© 2020 Yapak London