John Rolyn Arevalo ng Negros Occidental

YAPAK OFFICIAL Finalist 11: Alam ko ni John Rolyn Arevalo ng Negros Occidental


“Ako si John Rolyn Arevalo na taga Negros Occidental, ang pinagmamalaki kong lugar na pasyalan sa amin ay ang Balay Negrense. Ang nakapag impluwensya sa akin para mahiligan ko ang tula ay ang sarili ko. Sarili ko sa kadahilanang naniniwala ako na meron akong talento na ipinagkaloob sa akin ng Maykapal na walang ibang sinumang makapagbibigay o makapag impluwensya. Pasyon ko po talaga ang pagsusulat at pagtula.


Bukod sa PH Frontliners naging inspirasyon ko ang mga taong di nakikita sa unahan kagaya ng mga Engineers, tindera ng pagkain, taga bigay ng mga serbisyo kagaya ng kuryente, tubig at internet, Barangay officials at mga simpleng mamamayan na ginagawa di ang kanilang makakaya upang sumunod sa batas para ang covid ay wag mabilis na kumalat. Ang mapapayo ko sa mga kabataan na nais lumahok sa ganitong patimpalak ay gawin ang lahat ng makakaya at ilagay ang puso sa tulang ginagawa. Dahil mapabilang ka man sa finalists o hindi tiyak na panalo ka.


Mapapayo ko lang sa mga kabataan ay hasain at hanasin ang talentong ibinigay ng Maykapal dahil marami ang mamumulat o mabibigyan ng inspirasyon ng mga tula o kanta na magagawa mo. Napakalaki ang maaari mong iambag sa mundo bilang kabataang manunula at manunulat.”








Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


MABUHAY KA!





© 2020 Yapak London