John Paul Lopez ng Bulacan

YAPAK OFFICIAL Finalist 15: Tayo Ang Vaccine ni John Paul Lopez ng Bulacan



“Ako po si John Paul N. Lopez o JP ng Norzagaray Bulacan, lubos ko pong ipinagmamalaki sa lugar namin ang Bitbit River at Palakang Bato, ito po ay dayuhan ng mga tao lalo na kung bakasyon. Nagsimula ko pong kahiligan ang tula nung ako'y 2nd year high school.


At masasabi ko pong ang teacher ko sa Filipino ang naging impluwensya ko dito. Bukod po sa ating PH Frontliners, naging inspirasyon ko rin ang mga simpleng mamamayan sa aming lugar kung saan kahit na nagkukulang din sila ay mas pinipili pa ring tumulong sa ibang tao. Isa rin po sa mga inspirasyon ko ay ang mga taong walang sawang nananalangin para sa atin.


Ang maaari ko pong maipayo sa mga kabataan na nais lumahok sa ganitong patimpalak ay huwag magtakot, huwag mahiya na ipamalas ang ating kakayahan lalo na't sa ikauunlad ng mamamayan. Maging mapagbigay po tayo lalo na sa pag-aalay ng talento. Alam kong darating sa puntong tatamarin tayo at pipiliing manahimik nalang, yung pakiramdam na ang obra mo'y di pinahahalagahan. Kaya ang payo ko'y, tuloy lang! Laban lang! Maging inspirasyon ng ibang tao at maging parte ng solusyon. Isipin nalang po natin kung anong yapak ang maaari nating iwan upang masundan ng susunod na henerasyon.”






Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London