Jdyn Faustino ng Bataan

YAPAK OFFICIAL Finalist 8: Sabik ni Jdyn Faustino ng Bataan



“Ako po si Jdyn Faustino na mula sa lalawigan ng Bataan ang isa sa ipinagmamalaki kong lugar na pasyalan sa probinsya namin ay ang Dambana ng Kagitingan na matatagpuan sa bundok ng Mt. Samat. Ito ay sumisimbolo sa mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan.


Ang taong nakapag-impluwensiya sakin para mahalin ang pagsulat ay ang aking Ina. Bukod sa ating mga PH Frontliners, isa sa mga naging inspirasyon ko upang mabuo ang aking piyesa ay ang aking Ina at mga kapwa niya OFW. Na sa ngayon ay malayo sa kani-kanilang pamilya sa gitna ng pandemya na ito.


Para sa mga kabataan na nais lumahok sa mga ganitong klase ng kompetisyon, sundin niyo lamang ang inyong puso. Hayaan niyo ang puso niyo ang magdikta sa kung ano ang nararapat isulat ng inyong kamay. Bilang isang manunulat, dumaan na rin ako sa pagkakataon na ibaba ang aking sarili dahil sa mga kritisismo.


Pero, natural lang 'yon. Dapat laging maging bukas ka at handang matuto. Ang talentong binigay sa'yo dapat patuloy mo lang hasain at huwag ibaon. Sana ay magustuhan niyo po ang hinandog kong tula, sama-sama nating lagpasan itong pagsubok na ito. Salamat po!”








Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London