J-Paolo Agcorpa Jabagat ng Cebu

YAPAK OFFICIAL Finalist 3: Pagbigay Pugay ni J-Paolo Jabagat ng Cebu


“Ako si J-Paolo Agcopra Jabagat na taga Cebu City, ang pinagmamalaking kung pasyalan sa lugar namin ay Fort San Pedro, Basilica Del Santo Niño, at Cebu Metropolitan Cathedral. Ang Nakapag impluwensya sa akin para mahiligan ko ang tula ay ang mga magulang ko, na sa tuwing may mga patimpalak na ganito itinutulak ako palagi, pinapasali at parating sinusuportahan. Sa tuwing wala akong ginagawa ay inaatake ako ng depresyon ko.


Sa tuwing nasasaktan ako sa ano mang bagay gaya ng pag-ibig, kasamaan ng bullying tungkol sa pangungutya’t pagkukwestiyon sa aking pagkatao base sa pisikal na anyo at kasarian, at kahirapan sa pag-aaral sa aspeto ng akademik lalong-lalo sa pinansiyal. Ang papel at ballpen ang naging kaibigan at kaagapay ko sa tuwing ilalabas ko ang sama ng loob ko at sa bawat emosyon na meron ako na maipapahayag ko ito sa pamamagitan ng pagsusulat.



Bukod sa PH Frontliners naging inspirasyon ko unang-una ang pagmamahal ng pamilya ko sa aming magkakapatid na sa ano mang hirap ng buhay pinapalaki kami ng buong puso at oo, sila ay frontliners din. Sumali ako sapagkat gusto kung ipakita sa lahat ng tao sa buong mundo kung gaano ko ka mahal ang mama at papa ko na handa silang magbuhis ng buhay hindi lang para sa amin kundi sa lahat ng tao. Gusto kong iparating sa kapwa ko kabataan na wag limitahan ang kanilang sarili at wag ikahiya ang talento na meron sila kaya ako sumali sa kompetisyon na ito para mas mahubog ang pagkatao ko at maibahagi sa iba kung ano ang meron ako.


Ang mapapayo ko sa mga kabataan na nais lumahok sa ganitong patimpalak ay wag mawalan ng pag-asa. Matalo man o manalo ang importante ay naging inspirasyon tayo sa kapwa natin tao. Maibigay at maibahagi natin ang buhay na meron tayo at yan ang rason bakit nabuo ang patimpalak na ito. Mapapayo ko lang sa mga kabataan ay sa buhay mararanasan natin ang pagkatalo at pagkabigo. Kapag nadapa ka ba, iiyak kalang ba at hindi na magpapatuloy? Syempre hindi! Sa bawat pagkabigo diyan tayo matututong tumayo at magpapatuloy sa ano mang nasimulan natin at wawakasan ng may taas noo na sasabihin, “HINDI IMPOSSIBLE BASTA’T MAY TIWALA SA SARILI”. Sa kapwa ko manunulat at sa kapwa ko kabataan kunin ang lahat ng oportunidad na darating sa iyo wag hindian kundi parating OO ang sasabihin dahil sa bawat OO may makukuha kang PANALO!”








Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London