INSPIRE | YAPAK Ambassador | Emmy Gracio ng Masbate


#REALSTORY: YAPAK AMBASSADOR

MABUHAY KA EMMY ng MASBATE



Ako po si Emmy Gracio ng Malubi, Aroroy, Masbate at nais ko po sanang ibahagi ang aking kwento tungo sa inaasam na tagumpay, sana po mabasa niyo ito.

Ako po si Emmy Gracio anak ni Mr. and Mrs. Noe at Nida Gracio, 8 po kaming magkakapatid at ako po ang panglima. Bata pa lamang ako ay naranasan na po ng aming pamilya lahat ng hirap, pang aalipusta, panlalait at kung anu-ano pang masasakit na salita patungkol sa aming pamilya. Ang mama ko po ay nangunguha ng mga gulay sa build na pwedeng ibenta at wala na po sigurong makakapantay sa kasipagan ng aming ina, wala ka pong maririnig na kahit anong reklamo, madaling araw pa lamang po ay wala na ang aking ina sa aming bahay dahil pumupunta na po sya sa bundok para manguha ng gabi, puso ng saging, paco o fern, at labong yun po ang itinutustos nya sa aming magkakapatid at ang aking ama naman po ay magsasaka subalit kulang na kulang po ang kinikita nila para sa aming walo. Nung ako po ay magsimulang pumasok sa paaralan doon ko po napagtanto na malayong malayo po talaga kami sa aming mga ka-baranggay, dahil po sila kahit papaano nabibili nila ang gusto nila samantalang kami pong magkakapatid ay ni pisong baon wala.


Tuwing entrada ng pasukan ay namomoroblema po ang aming ina kung saan kukuha ng pambili ng gamit pang eskwela. Bibili po siya ng 2 dosenang notebook para sa aming 5 na nag-aaral, hinahati nalang po namin, madami pong requirements sa school pero hinding-hindi ko po iyon nakukumpleto. Ang mga bag po namin ay luma din at butas-butas pa. Ang tsinelas ko po ay butas din, kadalasan po ay tuyo ang ulam namin at pag weekends ay kamoteng kahoy lang po ang kinakain namin kasi wala kaming pambili ng bigas. Lubog din po kami sa utang dahil sa bigas at hiyang-hiya po ako noon kasi ako lagi ang inuutusan umutang. Minsan nga po pinahiya ako nung inuutangan namin na kesyo daw may utang pa nga daw kami bayaran daw muna bago umutang para na po akong lulubog sa kinatatayuan ko ang dami pa naman taong nakatingin sa akin. Nagpatuloy lang po akong mag-aral kasi gusto ko po talagang makapagtapos. I graduated as Class Salutatorian sa Malubi Elementary School. I felt so happy and proud back then. Nung mag eenroll na po ako ng highschool ay pumunta ng Manila si mama upang mamasukan doon bilang kasambahay. Syempre po nalungkot kami pero kailangan kasi para din naamn po sa amin iyon. Noong araw ng enrollment ay gumagawa ng maliit na kubo ang papa ko kasi sira na po yung bahay namin at wala pa po pala kaming kuryente nun. Lampara palang po ang gamit namin, naglakad lang po kami papuntang school nun ng ate ko. Mag Fi-first year highschool ako at siya naman ay mag Fo-fouth year. Pagdating sa school ay magsisimula na ang entrance exam at pagkatapos ay umuwi na kami ng ate ko pero babalik pa ako ng hapon kasi magpapabasa pa sa amin. Nung hapon na iyon bago ako bumalik pa school ay nagbuhat pa ako ng talahib yung ginagamit pambubong sa kubo kasi walang katulong ang papa namin. Late na po akong dumating sa school kasi naglakad pa ako at solo lang ako. Nung magsisimula na ang pasukan dun kami mas nahirapan ng ate Tintin ko kasi 4 kaming nag-aaral at wala po kaming permanenteng pinagkukunan ng makakain sa araw araw. Mas lalo po kaming nalubog sa utang kasi wala naman pong trabaho ang aming ama. Kinakailangan po naming gumising ng alas 3 ng madaling araw para maglaba sa ilog at pagkatapos po ay magpapakain at magpapaligo pa po kami sa aming nakababatang kapatid. Maglalakad pa po kami pa school kadalasan po wala kaming baon kaya umuuwi pa po kami kaya lagi po akong late. Nung examination period po namin ay wala po kaming bigas as usual kaya kamoteng kahoy po ang ginawa naming baon na magkapatid, awang-awa po ako sa aming magkapatid. Kumain po kami sa malayo sa di kita ng mga kaklase namin. Hanggang umuwi ang mama akala ko ok na pero hindi pa din po pala bumalik po siya sa pangunguha ng mga pwedeng pagkakitaan at minsan nga po pumunta ang aming pusa sa kapitbahay at kinain daw po yung ulam nila at binuhusan po niya ng mainit na tubig ang aming pusa. Nagalit po ang mama ko at tinanong siya kung bakit niya binuhusan ng mainit na tubig. Ang sabi po sa mama ko "KINAIN KASI ANG ULAM NAMIN KASI SIGURO WALANG LAMANG PAGKAIN ANG KALDERO NIYO". Sobra pong sakit marinig ang katotohanan. Sabi ko sa sarili ko nun magtatapos ako. And I graduated as 5th special mention nung highschool. Pagkatapos po ng graduation kinaumagahan ay sumama ako sa ate ko papuntang Manila para magtrabaho bilang kasambahay dahil alam kong hindi na naman ako makakapag-aral ng kolehiyo. Mababait naman po ang mga amo namin, sa katunaayn po ay pinag-aral nila ang ate ko sa tesda. Nakakapagpadala na po kami sa bahay kahit paano at paunti-unti namin naipundar ang bahay namin ngayon. Pero mas malaki ang naitulong ng mga ate ko lalo na si ate Tintin at ate Carla. Magpipitong buwan na ako sa Manila noon ng makatanggap ako ng tawag mula sa probinsya at sinabing nakuha daw ako bilang isa sa mga scholar ng 4ps(Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Nagtatalon ako sa tuwa noon. Umuwi ako noong November 17 ng Masbate para asikasuhin ang mga requirements. Ilang buwan pa bago ang entrance exam sa Bicol University kaya nasa bahay lang ako. Hanggang sa makilala ko ang aking naging 1st boyfriend si Abel. I was just 17 years old back then and so is he. Naging kami po pero hindi alam nang parents ko at nung nalaman nila doon nagsimulang magkalamat ang relasyon namin sa isat isa. Naging tampulan ako ng tsismis sa sitio namin na kesyo daw hindi na ako virgin na siguradong hindi ko matatapos ang college na hindi nabubuntis kasi nga ang landi ko daw walang araw na hindi ako umiyak noon at nangyari nga ang kinatatakutan ko. My mother asked me to choose, pumili ka pamilya mo o sya? Of course I would choose my family over somebody else. I decided to break up with him before I went to college.


Entrance exam sa college. May bagyo nun pero pumilit kaming magbiyahe sakay ng lantsa papuntang Pilar Sorsogon. Nasa gitna na kami ng dagat ng biglang lumakas ang alon at hangin. Maingay na ang mga tao kasi rinig na rinig namin napuputol na ang katig ng lantsa at karamihan sa amin ay sumusuka na sa sobrang alon. Punung-puno ang lantsa nun at ligtas naman kaming nakarating ng Pilar. Pero basang-basa kaming lahat pati gamit namin. Nag exam kami na walang breakfast at walang maayos na tulog at naubusan pa ako ng allowance nun gabi na nun nakakahiya man pero kinalampag ko talaga ang padalahan ng pera at nakiusap sa guard pero sarado na sila kaya sa City ng Sorsogon ko na nakuha ang pera.


Kumuha ako ng kursong Bachelor in Agricultural Technology sa Bicol University. Ok naman ang 1 year ko sa school pero nung ag sesecond year na ako I got bullied by my schoolmate. Hindi ko na po babanggitin ang name nya pero alam nya kung sino siya. Babae po siya maganda pero may pagkamaldita. Hindi naman po kasi ako maganda, pandak pa, at utak lang po talaga panlaban ko. Sinabihan niya po ako ng masasakit na salita na kesyo ang pangit-pangit ko daw, ang itim-itim ko pa na hindi daw kami bagay nung boy. She even threatened me na ilalampaso niya daw ang mukha ko. Nag-aral nalang po ako at grumaduate po ako ng 2nd year as academic distinction at naging top 1 din po ako sa babae nung ojt namin. I graduated po as Cum Laude at hindi nagtagal ay nakapasa po ako sa Licensure examination for agriculture nung Nov. 2019. Gusto ko pong ipagmalaki na ako po ay isang scholar ng 4ps at matagal ko na pong gustong gawin ito ang magpasalamat sa DSWD, sa mga social workers na tumulong sa amin. Salamat po at sa lahat po na nagbabayad ng tax salamat po. Nakapagpatapos po kayo ng isang bata na noon ay nangarap lamang. Salamat po.




Share your story, message us at YAPAK


#kuwentongkabataan#yapakinspirationalstories

#millenialstories#kabataangyapak




2 views1 comment

© 2020 Yapak London