INSPIRE I YAPAK Ambassador I Mariel Decierto ng Puerto Princesa





#REALSTORY: YAPAK AMBASSADOR

MABUHAY KA Mariel Decierto ng Puerto Princesa

___________________________________________

Hi my name is Mariel Decierto Barlas tawagin nyo nalang akong MAW from Puerto Princesa City Palawan,5300. Pangalawa sa anim na magkakapatid and proud to say na naging isang survivor ako ng anxiety and depression. Na overcome ko yan at isa na din sa dahilan ang pagsusulat. Wayback 2012, I’ve started to write a poem. Naging poetry writer ako and when I was 16 years old nag start narin ako mag perform sa iba’t ibang competition sa larangan ng Spoken Poetry. Dumating sa punto ng buhay ko na susuko na ako, pagod na ako pero when I saw this page/group na inspire ako mag sulat ulit. Yung buhay ko hindi madali because at a young age natuto akong maging working student. Naalala ko wayback 2015 nag start ako maging working student and last year 2019 nabigyan ako ng malaking offer naging customer service representative ako ng isang call center dito sa Puerto Princesa City, Palawan. Sobrang hirap to the point na minsan gusto ko na sumuko. Iba’t ibang work pinasok ko, online nagbenta rin ako noon ng mga gawa kong tula, sumasali sa iba’t ibang contest para lang magkapera at mapag ipunan yung mga pangarap ko.


Marami akong natamong panghuhusga at pangmamaliit galing sa iba. Actually nung mga panahon na iyan d iko alam if natutulog p aba ako. I go to work at 7pm kasi takot ako ma-late kasi 8pm pasok ko lalabas ako ng work 5am, magpeprepare and bandang 6am papasok ako kasi 7am may klase na. By 4pm uuwi na ako magsusulat, kasi walang araw na di ako nagsusulat ng tula or what, and 5pm if kaya pa sleep 1 and a half hour para may lakas pa ganun. Swerte kapag off and free day nakakapagsulat ako ng mahaba and rest. Hindi madali yung pinagdaan ko rin noon. Kumain ako ng kamote saging and mais pag lunch, naranasan ko din madapa pero ni isa walang tumulong. In short all my life naging independent ako. I can proudly say that I am a survivor of depression and anxiety. Oo dumating sa punto ng buhay ko na may mga tinig akong naririnig na nais kitilin ang buhay na meron ako. Na depressed ako dahil sa samot saring husga ng iba, iba’t ibang problema, lahat. Sobrang haba ng kwento pano ko natamo at nalampasan yun and takot akong mag-share kina mama at papa kasi baka nahihirapan din sila. Sabi ko noon, kahit anong mangyari hindi ko iiwan yung pagsusulat. Never kong iiwan yung bagay na nagpasaya at nagpaginhawa ng buhay ko. Actually I really want to grab this opportunity to thank YAPAK kasi nabago buhay ko dahil sa inyo. What I mean naging mas productive ako and mas minahal ko yung talento ko kahit na hindi pa ako ganun ka bihasa at perpekto. Noong mga panahon na ayaw ko na magsulat, lagi ako nakakabasa ng inspiring message galing sa inyo.


Thank you YAPAK for everything. I just want to leave and share this message para sa lahat “kung darating yung araw na mapagod ka, bumalik ka sa dahilan kung bakit kumakapit kapa, kung may 99.99% para sumuko tingnan mo parin yung 00.01% para lumaban. Natural mapagod pero hindi ang sumuko. Lahat tayo napapagod pero lahat yan may plano ang Diyos. JEREMIAH 29:11. Laban lang wag tayong sumuko. Until now nagsusulat ako at isa paring working student sa umaga at sa gabi employee ganun ako for almost 5 years aral at trabaho pero kahit kailan hindi susuko.

___________________________________________

Share your story, message us at YAPAK


#kuwentongkabataan#yapakinspirationalstories

#millenialstories#kabataangyapak





© 2020 Yapak London