Hurado Zaida Cenzon


Ang payo niya para sa inyo, mga Ka-Yapak:

“Ipagpatuloy lamang ang pag-aaral at sikaping makapagtapos dahil ito lamang ang regalo na maibibigay para sa pamilya. At huwag matakot tuklasin ang talento na iyong tinutuklas. Maging isang mabuting mamamayan na may takot sa Diyos at mapagmahal sa kapwa.”


Si Zaida Cenzon ay isa sa mga Board of Directors ng The Voice of Domestic Workers, United Kingdom. Siya rin ay miyembro ng Ladies for Rizal Incorporated, London Chapter UK. Siya ay nakapagtapos ng Maternal Nursing sa Imperial College-London at kasalukuyang nagtatrabaho sa Royal National Hotel. Ang kanyang adbokasiya ay makatulong sa mga kababayan niya sa Inglatera kung kaya naman aktibo siyang nakikiisa sa mga proyekto ng iba’t ibang kumunidad ng mga Pilipino. Siya ay buong pusong nagmamalasakit at tumutulong sa mga nangangailangan.





Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito na nagmula sa iba’t-bang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon


Isang karangalan na ipakilala ang isa sa mga naging hurado sa Spoken Word Poetry Competition 2020: PAGSALUDO SA MGA LUMALABAN SA COVID19.


Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK




5 views

© 2020 Yapak London