Hurado Stacy Danika Alcantara-Garcia


Ano ang maipapayo mo sa mga kabataan upang ganahan at mas mahasa ang kanilang talento at kakayahan? Create art to express not to impress.


Si Stacy Danika Alcantara-Garcia ay kasalukuyang Third Secretary at Vice Consul ng Philippine Embassy in London. Dati siyang naging mamahayag ng iba't-bang media outlets sa Pilipinas. Sa larangan ng pagsusulat ng tula, siya ay naging estudiyante nina Philippine National Artist for Literature Edith Tiempo at Palanca Awardee Cesar Ruiz Aquino. Siya ay isa sa mga pinarangalang 2008 Jose Rizal Model of the Philippines at 2009 Ten Outstanding Students of the Philippines.




Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito na nagmula sa iba’t-bang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.


Isang karangalan na ipakilala ang isa sa mga naging hurado sa Spoken Word Poetry Competition 2020: PAGSALUDO SA MGA LUMALABAN SA COVID19.


Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


#YapakWeCouldSaveLives

#YapakLondon#PagsaludoSaMgaLumalabanSaCOVID19

It's More Fun in the Philippines (Official PDOT London Fan Page)























12 views

© 2020 Yapak London