Hurado Gaudiosa Pernborn


Ang payo niya para sa inyo, mga Ka-Yapak: “Respeto at disiplina ito ang dalawang salita na lagi mong dalhin kahit saan ka man pumunta. Tandaan mo lagi na ang respeto at disiplina ang lagi niyong ibaon sa inyong pagkatao. Higit sa lahat, isa isip na kung kaya ng iba na naging tagumpay sa kanilang buhay, ito ay kaya mo din. Huwag susuko, Tagumpay mo kabataan ay tagumpay din ng iyong magulang.”


Si Gaudiosa Pernborn ay isang Entrepreneur. Siya ay kasalukuyang nasa Sweden at aktibong miyembro ng isang organisasyon. Si Gaudiosa ay isang performing artist na nakalibot sa iba't ibang kontinente ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagkanta. Siya ay nailathala sa iba’t ibang pahayagan bilang representative ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang Personal Adviser sa Sweden, Gothenburg.


Sa ngayon ay kasama niya ang kanyang asawa. Mula sa hirap ng buhay ngayo’y naranasan niya ang tagumpay, pilit niyang pinagpapatuloy na maibahagi ang kanyang kaalaman at tagumpay sa ibang mga tao at kabataan sa lugar na kung saan siya lumaki at higit sa lahat ang pagtulong sa pamilya.


-------------------------------------------------

Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito na nagmula sa iba’t-bang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.


Isang karangalan na ipakilala ang isa sa mga naging hurado sa Spoken Word Poetry Competition 2020: PAGSALUDO SA MGA LUMALABAN SA COVID19.


Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


#YapakWeCouldSaveLives

#YapakLondon#PagsaludoSaMgaLumalabanSaCOVID19

It's More Fun in the Philippines (Official PDOT London Fan Page)


7 views

© 2020 Yapak London