Hurado Eros S. Atalia


Ang payo niya para sa inyo, mga Ka-Yapak:

“Mabuhay, magbasa, magsulat. Isulat ang mga bagay na ayaw isulat at hindi kayang isulat ng iyong panahon… baka iyon talaga ang kwento ng iyong panahon.”


Nagtapos si Eros S. Atalia ng Master of Arts in Language and Literature-Filipino sa DLSU noong 2008 at BSE-Fil sa PNU noong 1996. Ginantimpalaan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang kanyang tatlong sanaysay at apat na tula. Unang Gantimpala sa Pandaylipi Ink. sa pagsulat ng tula noong 1995, Gawad Balagtas (PNU 1996) at apat na ulit na Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006, 2013, 2017 at 2019), Gawad Soc Rodrigo (2007), Fellow sa UP-ICW Writers Workshop for Mid-Career Writers noong 2007. Siya ang may akda ng mga sumusunod na aklat: Taguan Pung (kalipunan ng mga akdang di pambata) at Manwal ng mga Napapagal (kopiteybol dedbol buk); Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako; Ligo na U, Lapit na Me; Wag Lang di Makaraos: 100 Flash Fiction; It’s Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012; Tatlong Gabi, Tatlong Araw; Taguan Pung Level Up (kalipunan ng mga akdang di pambata) at Manwal ng mga Napapagal (kopiteybol dedbol buk).


Nagwagi sa National Book Awards, Best Book in Filipino Novel ng NBDB ang nobela nyang “Ang Ikatlong Anti Kristo”. Naisapelikula na sa Cinemalaya at na-adapt bilang musicale ang kanyang aklat na “Ligo na U, Lapit na Me” at naitanghal na rin sa 8th Cinemalaya ang kanyang kwentong “Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino.” Isasapelikula ng Viva Entertainment ang dalawa nyang nobela at si Atalia rin ang nagsulat ng iskrip. Naging contributor at kolumnista sa mga pambansang tabloid. Dating editor-in- chief ng Responde Cavite. Fellow sa International Writers Program ng The University of Iowa, USA noong 2016. Kinilala sya ng 8listphilippines bilang isa sa walong iconic professor ng Pilipinas. Nagbibigay ng libreng fiction writing workshop para sa mga kabataang interisadong magsulat. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Creative Writing, Literature at Screenwriting sa De La Salle University Manila.




Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito na nagmula sa iba’t-bang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon.


Isang karangalan na ipakilala ang isa sa mga naging hurado sa Spoken Word Poetry Competition 2020: PAGSALUDO SA MGA LUMALABAN SA COVID19.


Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


#YapakWeCouldSaveLives

#YapakLondon#PagsaludoSaMgaLumalabanSaCOVID19

It's More Fun in the Philippines (Official PDOT London Fan Page)








4 views

© 2020 Yapak London