Hurado Arthur Andres Nieva


Ang payo niya para sa inyo, mga Ka-Yapak:

“Mahusay! Ipagpatuloy ninyong mga kabataan ang mabubuting nasimulan ng mga nakatatanda, at iwaksi ang mga hindi magagandang bagay na inyong nakikita. Tulad nga ng sinabi ni Rizal, kayo ang pag-asa ng bayan. Kailangan na ang “pag-asang” iyon ngayon, higit kailanman.”


Si Arthur ay isang community leader na kasalukuyang naka-base sa London. Siya ay isa sa mga tagapagtatag ng Camarines Sur Filipino Community UK, at Kasalukuyang Chapter Commander ng Knights of Rizal – London Chapter UK. Siya ay may mahabang karanasan sa kawanggawa at pagiging pinuno ng maraming organisasyon, at nanilbihan din sa gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng Metro Manila Development Authority. Siya ay nagtapos ng agham pampulitika sa University of Saint Anthony, Iriga City, Camarines Sur, Philippines. Siya’y may hilig sa pagguhit, pag-awit at pagluluto.





Mahigit 300 kabataan ang sumali sa patimpalak na ito na nagmula sa iba’t-bang panig ng Pilipinas, Isa ito sa mga pangarap ng mga batang manunulat upang maipahayag ang kanilang damdamin at saloobin upang talakayin ang problema ng modernong panahon


Isang karangalan na ipakilala ang isa sa mga naging hurado sa Spoken Word Poetry Competition 2020: PAGSALUDO SA MGA LUMALABAN SA COVID19.


Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


#YapakWeCouldSaveLives

#YapakLondon#PagsaludoSaMgaLumalabanSaCOVID19

It's More Fun in the Philippines (Official PDOT London Fan Page)



8 views

© 2020 Yapak London