Emmanuel L. Enriquez ng Bataan

YAPAK OFFICIAL Finalist 10: Ang Mamatay ng Dahil Sa Iyo ni Emmanuel Enriquez ng Bataan

Ako si Emmanuel L. Enriquez mula sa Balanga, Bataan – lingid sa kaalaman ng iba na isa sa makasaysayang lugar na maaring matagpuan sa aming bayan ay ang Mt. Samat at Las Casas Filipinas De Acuzar. Bilang isang mamamahayag sa aming paaralan noong elementarya at maging sekundarya ay kinahiligan ko na ang pagsulat ng tula at paggawa ng iba’t-ibang akda,


Si Juan Miguel Severo at Bryan Vee ang isa sa tunay na naka-impluwensya sa akin mula sa mahika ng pagsusulat ng tula, dagdag pa rito ay tuluyan kong pinasok ang pagiging makata ‘noong nabigyan ng pagkakataong ako’y magtanghal sa harapan ng milyon-milyong mga tao sa loob at labas ng bansa sa pangunguna ng GMA 7 noong taong 2018.


Bukod sa mga kapwa nating Pilipino na unang depensa kontra COVID-19, isa sa mga naging inspirasyon ko upang sumali sa patimpalak na ito ay ang aking sarili sapagkat totoong minahal ko na ang mundo ng pagsusulat. Naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay may angking talino, galing at talento – ipagpatuloy lamang ng mga kapwa kabataan ko ang ganitong uri ng katangian sapagkat isa itong paraan upang maipakita ang pagmamahal sa bayan, sa sarili at sa mundo ng pagsusulat.


Hindi maitatangging palaisipan ang ganitong uri ng pagkakataon subalit isa lamang ang pinaniniwalaan ko - na ang pagsusulat ay isa sa mga bagay na maaring makapag-paunlad sa indibidwal lalo’t higit sa kanilang mga sarili. Muli ako sa Emmanuel L. Enriquez at samahan niyo akong pasukin ang mundo ng mga makata sa ating karaniwang panahon.








Ang YAPAK ay isang boluntaryong grupo na naka-base sa London, United Kingdom, at ang isa sa mga mithiin na makamtan nito ay ang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang manunulat na mailathala ang kanilang mga obra sa isang eBook, bilang pagpupugay sa mga bayaning PH Frontliners. Marami pa kaming mga proyekto na maaari mong salihan, i-like or follow mo lang ang page na ito YAPAK


MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London