Christian Padil ng Mandaluyong

YAPAK OFFICIAL Finalist 1: Tunay na Idolo ni Christian Padil ng Mandaluyong



“Ako po si Christian Padil ng Mandaluyong City. Maraming lugar na pwedeng ipagmalaki dito sa aming syudad at ang isa sa hinihikayat ko kayo na puntahan ay ang isa sa pinaka matanda at makasaysayang simbahan sa NCR, ang San Felipe Neri Church. Naimpluwensyahan ako sa pagsusulat ng tula ay dahil nung bata pa lamang ako ay hilig ko na ang pag arte at pagpeperform. Kaya naman nung una kong beses na mapanuod si Juan Miguel Severo ay nagkaroon agad ako ng interes sa paggagawa ng mga Spoken Word Poetry. Isa rin si Brian Vee sa lalong nagpamahal sakin sa pagsusulat ng tula. Malaki rin ang impluwensya sakin ng aking pamilya at kaibigan sa pagsusulat dahil sa kanilang suporta.


Ang naging insipirasyon ko sa pagsulat nitong tula at pagsali sa kompetisyong ito bukod sa mga PH frontliners ay ang bawat isa sa atin na siyang lahat na apektado sa krisis nito. Habang sinusulat ko itong tula ay ang nasa isip ko ang lahat ng lumalaban sa Pandemic nito lalo na silang mga infected. Nais ko rin magpaabot ng saludo sa ating mga Frontliners at gusto ko rin ipabatid sa lahat na makakabasa at makakapanuod na may mga totoong bayani sa mundo na makakatulong nila sa labang ito Sa lahat naman na nagnanais na sumali sa mga ganitong kompetisyon subalit napanghihinaan ng loob, gusto ko lang sabihin sa inyo na huwag kayong matakot. Huwag kayong matakot na mahusgahan at lalong huwag matakot matalo. Walang nananalo sa laban ng hindi tumataya at hindi lahat ng laban napapanalunan subalit ang mahalaga'y sumubok ka. Ginawa mo ang dapat at gusto mong gawin.


Tulad na lamang sa aking karanasan sa pagsali sa kompetisyong ito. Matagal nakong hindi nakakapagsulat ng mga tula kaya nung makita ko itong kompetisyon na ito ay napanghinaan talaga ako ng loob na sumali. Kasi pakiramdam ko, hindi nako marunong saka nawawala na rin ako ng gana at ng tiwala sa sarili ko. Subalit sa tulong ng mga taong nakapaligid sakin, sinabing bakit hindi ko daw subukan, wala naman mawawala kaya naman pinilit kong muling magsulat at sinubukang sumali. Nais ko rin ipahatid na kapag nawawalan ka na ng gana, pahinga ka muna, tanungin ang sarili kung bakit kaba sumusulat ng tula, para kanino at para saan? Maghanap ka ng inspirasyon at unang gawing inspirasyon ay iyong sarili. Huwag kang titigil sa pagsulat ng akda, hangga't mayroong isang nagtitiwala.”



WATCH





YAPAK provides a manifesto in generating and staking innovative literary pieces and inspiring stories of Filipino through the internet and communal conventions in diverse parts of the world. YAPAK's primary purpose is to instil to the youth from all over the world these values: For the Love of God (Maka-Diyos), People (Maka-tao), Nature (Makakalikasan), and Country (Makabansa), to honour their respective families and contribute to society.



MABUHAY KA!




© 2020 Yapak London